Plano Sa Weekend

in Tagalog Trail8 months ago

Magandang araw sa lahat,

Kaming mag asawa di namin naka ugalian na mag plano ng outing o ano ang gagawin kinabukasan. Pag bored si hubby hayan mag yaya na yan na mag travel kami.kaya para this weekend need mag ready na ako ng aking gagawin kung sa bahay lang o kung mag travel ba kami. Ang isa sa gagawin ko ay mag hanap ako ng mga abobot na nagansilyo ko noon na di natapos dahil matagal ko ng balak e yarn bomb itong puno ng fire tree sa may corner namin at bilang pasalamat din sa tuwa na at last after 3 years galing sa pag tanim ko ng buto ng Fire Tree o Royal poinciana na species ng Delonix o ang botanical name niya ay Delonix regia. Sa pamagitan ng Picture This App na ginamit ko aking nalaman ang iba't ibang pangalan ng punong ito. Tinatawag din siyang Flamboyant tree, Flame tree, Flame of the forest, Peacock flower, Red tree at Poinciana.Kami nasanayan ng tawagin siyang Fire Tree.

3 yrs ago may Soil Test sa Municipality of Boljoon, project ni hubby pero yong anak lang namin ang nag manage, pag uwi nila kasama mga regular drillers, binigyan ako ng mga buto ng Fire tree, ganda daw ng kulay, kaya tinanim ko. Ilang yrs kaming nag hintay kung kailan mamulaklak, suggestion ko pa nga putulin na lang at palitan ng langka pero di pumayag si hubby mag hintay lang daw kami. Mga last week, isang umaga tulog pa kami ni hubby tawag ng tawag pasigaw itong anak namin akala ko kung naano na siya yon pala lundag siya ng lundag sa tuwa dahil namulaklak na ang Fire tree. Takbo din ako sa labas tiningnan ko, Wow, oo nga ganda ng kulay ng bulaklak yong gusto ko talaga na red-orange.

inbound1864891844877132560.jpg

inbound7425307277895389347.jpg

At ito naman ang puno niya na e yarn bomb (damitan ng sari saring design ng gansilyo) ang puno.

inbound2795414305125053548.jpg

Sa ngayon konti pa lang mga items aking nakita ko para idugtong dugton ilapat sa puno.

inbound5431894297243472266.jpg

Kaya sa weekend kung di kami mag travel magkalkal pa ako ng karagdagang crocheted items at dahil sa ako'y naghahanap, nag hanap na din ako ng mga yarns ipadala ko sa Olongapo City sa bunso kong nag gagansilyo din, nag chat sa akin na manghingi siya ng mga yarns ko. Heto may nakita na rin akong padala sa kanya.

inbound7982170475790773629.jpg

Siguradong matutuwa ang bunso namin.
Itong mga activities na akin gawin ay mga ilang oras lang din kasi priority ko ang never ending house chores at pag alaga kay hubby na person with disability, mag video pa para sa fbreels, mag engage at mag blog pa sa mga sinalihan kong mga blog sites hahaha kailangan ng extrang kamay ni greatgrandma.

Maraming Salamat sa pag dalaw at pag basa ng blog ko,

inbound2885853799035774476.gif

Sort:  

Dapat pala palaging bored ang iyong hari Ymmom para palaging travel!😍😍
Ang ganda ng nakuha ninYong Buti, Yong velvet red na klase talaga hindi Yong orange.
Naku I remember growing up we have seven of these trees all around the backyard and they all bloom during summers that at a distance you will thing our house is on fire dahil sa napakaraming red blooms. Such a happy sight to see.
Ang bilis three years lang namulaklak na!!! Naku soon Ymmom yan ang itatanim ko dun sa farm namin... Palibutan ko ng fire trees, gagawin kong fire tree Lane. Pang Instagram diba?! Pwedeng venues for prenups and other celebrations!
Ganda talaga ng fire tree or arbor tree ang bane din nya sa ibang bansa.

Oo nga nice yang idea mo na palibutan mo ng Fire Tree doon sa Iram. May poem ako noon na ang isa sa bucket list ko sa lifetime na ito ay makatanim ng free tree sa isang buong bundok kagaya ng Blue Mountains ng Australia.Naging Blue Mountains dahil sa mga trees na bluish ang flowers.So, imaginin mo buong bundok ng Fire tree naku parang bundok on fire...

Ganda nga ng bulaklak nung puno! Vibrant yung kulay nila at buhay buhay- for sure kung naging langka yan wala na ang puno.

Ubos ang oras sa pag gagantsilyo sa weekends haha I can't imagine na madali yan kasi sinubkan namin sumakit lang ang kamay namin dyan wala kaming patience para sa ganyan.

Hopefully pag tapos na yung yarn bomb sa puno mas makita pa natin kung ano ang mangyayari excited na me para dyan!

Always be on your toes pala if the weekend is coming. You'll never know where you are heading.

Oo Sis kahit di weekend pag sinabi ni hubby aalis kami kahit anong ginagawa ko iwanan ko talaga, para unahin siyang bihisan asikasuhin