Pinagisipan ko ito ng mabuti bago isulat dahil sa privacy. Pero kailangan ko ishare ito para matuto kayo at gamiting example sa buhay buhay po ninyo.
Context: Pumanaw ang aking nanay noong 2021. Naiwan niya ang kanyang mga anak na sampung magkakapatid. 5 sa unang asawa, 4 sa pangalawng asawa at ako. 1 month after nalibing nanay ko pumunta ako sa SSS para tignan ano ang mga kailangan papers para sa mga benefits na matatangap burial etc. Nakita ko ang daming tao at wala akong time para asikasuhin yon kumuha lang ako ng form at umuwi.
My mom is still with us everywhere we go.
3 months ago nagdecide ako pumunta ng Samar business opportunity siyempre gusto ko yon. Dala ko lahat ng papers ng nanay ko bakit? Kasi kahit bunso ako ako ang tumayong panganay sa aming magkakapatid (that's life). 1 month bago ako umuwi ng Pampanga nagchat ang pangalawang panganay na babae sa akin tungkol sa mga documents regarding sa SSS ng aming nanay. Nagtataka ako after 3 years bakit hinahanap? Napaisip ako meron something special na nagaganap dito. Ang sabi ko nasa akin lahat ng papeles, kailangan ko daw ipadala sa kanya para asikasuhin at pagpartehan sa mga kapatid naming nangangailangan.
That's how she is taking pictures not looking at the camera 🤣.
3 weeks bago ako umuwi ng Pampanga message ulit sa akin now galit na. Siyempre busy ako block agad mas marami akong bagay na pagtuunan ng pansin bago iba, pero alam ko mabibigyan ko din ng oras ang problema na yan isa isa lang 🤣. Nakauwi na ako ng Pampanga siyempre pahinga at family first muna bago ang iba. After a week nagdecide akong puntahan ang ate ko dala dala ang mga papeles. Dito pumasok ang article na ito https://peakd.com/hive-199493/@dantrin/helping-a-friend-21.
Nagharap kami niyakap ko siya hinalikan and then the truth came out! Ang kuya ko pang anim sa magkakapatid ang kinakasama niya ang nagsabi na "GINASTOS NA NI DAN ANG PERA KAYA AYAW BIGAY ANG PAPELES". Nagulat ang ate ko hawak ko ang mga papeles at binigay sa kanya.
Bago paman ako makauwi na sense ko na may takot ang mga tao sa akin sa Pampanga (Spidey sense). Ito pala yon. Kaya pala galit sa akin lahat kasi may nagsinungaling laban sa akin which is totally fine with me. Naiintindihan ko lahat marami tayo kasi pinagdadaanan sa buhay natin nasa sayo nalang kung papano mo ihandle ang situations lalo na ang emotions.
The major value in life is not what you get. The major value in life is what you become! by Jim Rohn!
Huwag ka magdecide base on your emotions kung galit ka maligo ka tapos magdesisyon ka. Huwag magbitaw ng salita sa kapwa ng pawang kasinungalingan. Ang epekto nito at napakalaki sayo at sa ibang tao. Choose your words carefully. Hindi po ako expert dito pinagaaralan ko po ito araw araw.
Forgive and Forget? No! Forgive and move forward. Ang galit sa puso at isipan kung dinadala mo yan araw araw napakabigat niyan. Nakikita ko yan in real time dito sa Hive, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko at sa ibang tao. Tao po ako nagagalit din ako pero may strategy ako para dito in a few seconds tangal. Base your instinct with logic muna is this good or bad?
Note: Okay na okay po kami ng ate ko move forward kaming dalawa. Sana may natutunan kayo sa kalyeserye 🤣
As always God bless you all!