Hive Onboarding on FB.
Nagiisip kami (Rice Group) ng paraan papaano ba mahikayat ang mga kababayan nating Pilipino na sumali sa Hive Blockchain. Kaninang umaga kausap ko ang isang miyembro ng Rice Group around 8:00 am (GMT +8) nagbigay siya ng magandang idea. Saan nga ba mahilig ang kapwa nating Pinoy kabilang na din ako dito. Ito ay ang pag gamit ng social media platform na Facebook.
Gumawa kami ng Facebook page kanina lang Rice Group Philippines. Hindi lang ito paghihikayat na sumali sa Hive Blockchain ito din ang aming paraan para ipalaganap ang salita ng Diyos. Note hindi po kami isang religous group kami po ay may kanya kanyang paraan kung paano magpasalamat at pumuri sa ating Panginoon.
Ito po ang link ng Rice Group kung saan ngsimula ang lahat Source.
Wala pa po kami idea kung ito ay magiging matagumpay. Papasok nga ba ang mga kababayan natin sa Hive Blockchain sa pamamagitan nito? Ang Diyos lang po ang nakakaalam.
We are Filipino content creators of Hive Blockchain. We are here to help the Hive Blockchain to help the Hive community and to empower people.
Pa follow nalang po mga ka Hivians!
Rice Group Philippines
Mabuhay! All glory to God!