Mga Paboritong Kong de Lata

in Tagalog Trail6 months ago

20240524_163238_0000.png

Pag talaga nababasa ko ang "de Lata," ang naiisip ko ay Ligo Sardines na may Misua at Patola, kumakain ba kayo non guys? Ehe. Masarap yan, winner! Pang tawid gutom talaga and talagang matataob ang kaldero kapag ganiyan ang ulam. Bigla tuloy ako nagutom, aguyy ah..

IMG_20240524_151535.jpg

Tagal na pala nong huling nag luto ako nang sardinas na may gulay, with kalabasa naman yon, at masarap din. If di mo na natatry, sinasabi ko sayo dong, e-try mo na yarn! Kasisimple laang din nang sahog niyan, paminta, asin, pampalasa, bahala kana dun sa iba, malaki kana.

Naalala ko lang yang ulam na yaan kasi usapang de Lata tayo today. Sa mahihilig diyan sa de Lata, or yong asa sa de Lata kasi walang time mag luto or busy sa work, school, sa pang babae or whatever, time na para e-share yang paborito mong de lata. Baka naman may ma-e-rerecommend kayo diyan, go na, share mo na samin (人 •͈ᴗ•͈).

IMG20240524150945.jpg

So ito na nga, sa usapang de Lata, marami tayong pagpipilian diyan. Maraming brand so marami kang choice, pasarapan nalang talaga sila. Pero minsan yong pasok talaga sa budget na brand ang bibilhin kasi nga para mas tipid. Iba ibang brand, iba iba din nang price, may mataas, may mababa, depende nalang sayo kung alin ang pipiliin mo, dota o siya?

IMG20240524151019.jpg

So para sa aking Paboritong de Lata, unang una na diyan ang Bluebay Tuna. Caldereta flavor lang talaga ang masarap para sakin, nevermind na yong iba. Diko bet yong afritada or mechado nito, maka-Caldereta lang talaga ako. Mahalang kasi yang flavor na yan which is so good, so yummy and so flavorful. Na try nyo naba to? Sarap nito e-pares sa fried rice, napapa two servings ako, pramis! Dahil sa anghang (≧▽≦).

IMG20240524151139.jpg

Sumunod ay itong San Mariano corned tuna. San Marino talaga yon, trip lang naming tawaging ganiyan, lol. Pero isa pa yan sa paborito ko, namin actually, favorite din nila yan eh. Lalo yong kulay dilaw, yong mahalang din syempre. Sad di na 'ko makakain nito nang palagian dahil nga bawal, aguy. Bukod sa inuulam ko siya, pinapalaman ko din pala siya sa papay, you know, Pandesal, Monay at Tasty. Sarap niyan pramis! If nakakaluwag luwag ka naman, lagyan mo na rin nang mayonnaise, pwede din with egg para mas bongga, ehe.

IMG20240524151115.jpg

Isa pa to! Masarap din to, buong version nong San Mariano Corned Tuna, lol. Pero masarap talaga tong Century Tuna. Malamang mas maraming people ang nakakaalam nito. Masarep siyang i-ulam at ipalaman sa tinapay. Expect mo lang na mas madami pa tong oil kesa sa Tuna (≧▽≦). Pero kahit oil naman masarap din eh, so pwede na (≧▽≦).

IMG_20240524_153738.jpg

Wala akong picture nong mismong de Lata pero Argentina Meat Loaf lang ang sakalam (☞^o^) ☞. Bukod sa mura na, para sa akin, masarap talaga siya. Kapag wala kami ma ulam sa umaga, Argentina Meat Loaf lang, sapat na. Mas better with egg din sana tapos sinangag, aruy, limot limot na muna para maka dami nang lafang. Lol.

IMG_20240524_153709.jpg

Ito pang isa, same brand, Argentina Corned Beef (☞^o^) ☞. One of the best too! Kapag kumakain kami nito, nagbibiruan kami sa bahay, na yong baka na ginamit dito ay mutain pa, pang dagdag din sa flavoring yon eh, HAHAHAHA. Pero kidding aside, masarap talaga siya sa sinangag. Pag nag luluto ako nito, asin nalang at paminta nilalagay ko. Tapos gisahin sa sibuyas at bawang, yong igang iga at walang sabaw, ay diga'y kasarap nang ganito (✿^‿^). Perfect din siya with Potato, mas lalo nang masarap yan. Ang mahal lang nga ng Patatas, sadt.

IMG_20240524_155812.jpg

Marami pa talaga akong paboritong de Lata eh, katulad nang Purefoods Sisig, Chunkee Corned Beef, Saba Mackerel, Saba Squid, saka yong Maling na I can't afford, i-libre nyo naman ako nitooooo ಥ‿ಥ. At pag dating naman sa Sardines, number one na sakin si Saba sardines. Sarap niyan pigaan nang kalamansi. Saka damang dama mo ang laman kasi malalaki ang fish na ginamit, hindi katulad nang iba, kaliliit na'y durog pa. Hustisya naman, aalog alog na sila sa lata, dati kasi siksikan sila diba? Aguyy.

Yon lang, bye bye (人 •͈ᴗ•͈).

IMG_20240524_145927.jpg

20240501_143949_0000-removebg-preview.png

Lead Image Edited in Canva.

Sort:  

Ginisang sardinas (Ligo) na may hagod o ang bunga ng malungay. Bakit Ligo kasi marami laman 😀

Sabagay kapag marami kayo sa mas maraming makakakain. Yong Saba 3 big fishes lang laman, hanep ಥ‿ಥ

I only understood a little, but that looks good, tita.

They taste good too hehe. But have you tried any one of those canned goods?

Na miss ko kumain ng beef loaf ah. <3

Hehe wala ba diyan?

grabe ang daming stock ng de lata!

Di ako naging fan ng bluebay, pero yan minsan ang baon ng kaklase ko nung college sa PUP pag tipid na tipid na sa gastusin. Mura na at tipid pa.
Yung supremacy ng argentina sa household exist! Dating formulation is good pero ngayon di na, nagbago nadin kasi may kaibigan ako na nagwork dati sa Argentina tapos everytime na magkikita kami magbebenta sya ng good item from the factory hahaha umay!

Sardinas at Miswa parin for me.

Corned tuna and anything na maanghang ekis yan.