Kimusta mga hivers,
Ang sagot ko sa tanong na yan, Hindi! Noong maliit pa kami sa pag prepare ng pagkain ng Mother ko hinahaloan niya ng Vetsin, at na pasa sa akin pag luto ko ng may asawa na ako may vetsin din. Ngunit, noong nag aral ng Masteral si hubby sa Thailand noong 1979, pag uwi niya may pinabasa siya sa aking ng artikulo ng result ng study ng effect ng Vetsin sa katawan ng tao. Ito ay nag brittle or nagparupok ng mga buto ng tao. Kaya pala lagi akong ihi ng ihi dahil sa effect ng Vetsin. Kaya simula noon di na ako naglagay ng vetsin sa mga luto ko. Pag tuwing kain ko sa mga Restaurant o Carenderia humahapdi ang pag ihi ko at nag papadoktor ako dahil di ko na matiis ang frequent urination ko. At simula ng di na ako nag hahalo ng vetsin napansin ko normal na ang pag ihi ko. Laking pasalamat ko na maayos na pag ihi ko.
Nasanay na ang pang lasa ko na walang vetsin. Asin lang konti at black pepper ang panimpla ko pag ako ay nagluluto ng ulam At si hubby. Kaya pag kumain kami kahit saan pag ito'y napakasarap sureball may vetsin ito, inom na lang ako ng maraming tubig dahil hahapdi nanaman pag ihi ko. Malalaman ko ang pagkain na may vetsin.
Late na ang pag sulat ko nito dahil pagod pa galing sa biyahe. Nag biyahe nanaman kami dahil brown out sa lugar namin simula alas singko ng umaga hanggang alas kuatro ng hapon ngunit nabasa ng anak ko nag extend pa ito ng pitong oras ngunit pag uwi namin bandang alas dyes salamat naman may ilaw na.
Maraming salamat sa pagdalaw at pagbasa ng blog ko,
![inbound155556813372954682.gif](https://files.peakd.com/file/peakd-hive/jurich60/EowNKmuWsjYcftoZwUE8ECP1EUoV7JEUhzaPsAfJVf6HjqcHXytgwsznDA3ibKsN