Kumusta mga kabayang Hivers,
Na miss ko yong mga nakaraan na mga topics, di ako naka pag sulat dahil na admit sa hospital si hubby buti naka labas na kami kahapon.
Ang ganda ng topic natin ngayon, ahh. Ipagkaloob magkatotoo, ahehehe.
Assuming, may hawak na ako sa aking mga kamay ang 1 milyon pesos, una kong gawin ay bibili ako ng bagong cellphone kasi ang dalawa kong cellphone na ginagamit ngayon ay luma na, ang Vivo 1811 mga 6 yrs na sa akin at ang Real Me C25 ay nabili ko noong 2021 pa. Ang bibilhin ko ay ang Real Me 12 halaga niya ay 14,000 lang. Type ko itong Cellphone na ito dahil may stabilizer siya kung mag video ka at shaky konti paghawak ng Cellphone kusang stabilize ng phone aayusin niya ang video mo na hindi na shaky ang dating.
Pangalawa, magkabit na ako ng Roaming na Starlink, ipakabit ko sa cousin ni hubby ang whole Starlink Kit na may antenna, 15meters cable at router halagang 32,500 pesos, at 7,500 para sa delivery at activation mag dagdag na lang ako para pasasalamat tapos mag budget na ako ng 10 months para sa 3,300 pesos monthly Starlink bill para roaming charge. Para unli na ang wifi kasi sa ngayon di ako nakakasali sa mga airdrops dahil slow talaga ang net, haist.
At dagdag pa dito bibili ako tripod para sa phone, selfie stick dahil sira na yong nabili ko, headset at microphone para puedeng kumanta pag mag live ako.Ang budget ko dito kasama na ang phone at Starlink ay nagkahalaga ng 100,000 pesos.
Sunod oorder ako ng drilling machine na matagal ng pangarap ni hubby magamit sa Soil Testing business niya sa halagang 350,000 kasama estimate na dyan ang pag release sa Customs.
At isa pang mahalagang ipagawa ko dito sa bahay ay ang elevator para sa roof deck. Yong tama lang mag kasya ang wheel chair ni hubby. Kasi mahirapan na siyang umakyat sa 11 na baitang ng stairs patungo sa roof deck. Kaya nga pinagawa niya ang tiny house na ito na may roof deck ay para maka exercise siya mag lakad lakad, ikot ikot lang, maliit lang ang bahay pero sapat na pag exercise niya. Ngunit kada taon simula 2021 magpa hangang ngayon pabalik balik siya sa hospital, kada taon ma hospital siya. Nahirapan na siyang maglakad mag isa, need alalayan naming dalawa ng apo namin.Estimate sa pagpagawa 100,000.
Pag nandyan na ang drilling machine kailangan ng sasakyan, di kasi puede sa Multi Cab dahil open na open ito ngayon. Hindi din puede sa kotse na Vios dahil maliit at lalong hindi puede sa Van dahil gamitin namin pag travel travel. Kaya kailangan bibili ng 2nd hand lang ng L300 para kahit ang project ay nasa malayong lugar halibawa sa ibang isla gaya sa Negros, Samar or Leyte maging safety ang mga drillers at ang drilling machine. Ipagkaloob may makita akong halagang mga 450,000.
May natira pa akong 100,000. Ang 50,000 i deposit ko sa banko at ang natirang 50,000 puhunan ko sa Crocheted Sandal business. Mag mass produced ako ng Sandals gaya nitong mga gawa kong pinamigay ko lang.
Hayan ang gagamitan ko sa 1milyon mga ka Hivers.
Gi sanguni ko kay Hubby itong topic na ito, una ang balak ko sa 1milyon bigyan ko ng tag 50,000 pesos ang 8 namin na anak at ang 19 ka apo tag 5,000 kada isa. Sabi ni Hubby mali ka sa gagawin mo dapat yong tutubo ang pera mo, business isipin mo kaysa ipamigay mo lang sayang maubos agad pera mo. Sabagay, tama siya, kaya inulit ko ang aking balak.
Salamat sa pagdalaw at pagbasa,